Kanto Hitman ([info]antichange) wrote,
@ 2009-09-01 16:50:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Current location:diyan lang sa kanto
Current mood:contributing mood
Current music:Spare Me from the Mold - The Gossip

PAKIBASA LANG MGA POGI'T MAGAGANDA

May kinasusuklaman ka bang politiko? May crush ka bang Presidentiable? Naaaliw ka ba sa mga advocacy campaign? Naiirita ka na ba sa nunal ni GMA? May gusto ka bang i-share sa iyong nakaraang voting experience? May saloobin ka ba na konektado sa eleksyon?

 

Kung oo ang sagot mo ay saktung-sakto ka dahil nangangailangan kami ng mga saloobin at opinyon tungkol sa paparting na carnival na kung tawagin ay Philippine National Elections.

 

Puwede mag-contribute in any form. Kahit essay, one-liner, quote, tula, kanta, drowing, photograph, o kung ano pa man ang maisip mo na makapagpahayag ng saloobin mo. 'Wag lang isang buong nobela o kaya sand castle. Hindi rin kailangan masyado seryoso o intelektwal o aktibista ang tono. Basta kung ano lang nasa isip mo. The bottom line is: get your message across. Para ka lang nakikipag-debate sa mga kainuman mo sa kanto.

 

Ang mga iko-contribute ay isasama sa isang web publication na naglalayong maging aktibo ang kabataan sa darating na eleksyon. 'Wag kayong mag-alala dahil in good faith naman ang paglabas ng publication.

 

Sa mga gustong mag-contribute ay pakipadala lamang ang inyong mga obra maestra sa kantonista@gmail.com o kaya ay mag-send ng personal message dito sa aking Livejournal o L.J. ayon nga sa mga cool na cool na acronym-loving people.

 

Sa kasamaang palad ay wala kaming maibibigay na kahit anong uri ng kabayaran sa inyong mga contribution dahil kasing nipis ng pakpak ng ipis ang mga wallet namin. Isang dumadagundong na pasasalamat lang ang aming maibibigay.

 

Aasahan namin ang inyong mga sagot. Olrayt? Olrayt! Maraming salamat!




Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…